Ang pag-ibig sa sarili ay haling katumbas ng pag-ibig sa bayan.

Lagi na lang bang may digmaan bago makamtam ang kalayaan?

kei yappings
2 min readAug 11, 2024
from pinterest.

Sa karaniwang araw ay mahirap ipagtanggol at miminsan pa’y sariling kalaban — hindi tumitigil ang pagsikip ng dibdib sa bawat pagtatalo ng isip. Kapitalismo ang paniniwalang pinaghihirapan ang karapatang maging maligaya at ang bawat pawis ay mabibilang lamang kung ito ay pula.

Mananatiling buhay ang dugo ng himagsikan hangga’t hindi natatahimik ang kaluluwa ng mga inalipin ng lipunan. Gobyerno ang utak na walang habas na umaalila sa katawang sunod-sunuran sa mga latay na inuukit sa balat. Aktibista ang pusong humihiyaw na itigil ang pang-aalipusta sa kabila ng bingi na pulitika at bulag na masa.

Subalit ang pag-ibig sa bayan ay hindi natatapos sa pag-ingit at galit ng sarili nitong nananahan — nagsisimula ito sa pagtangis ng rebolusyon at paghingi ng kalayaan. Gaya ng pagmamahal sa sarili na natatagpuan sa t’wing ang dayuhan ay sumusubok sirain ang pinaghirapang kasarinlan.

Ang pagnanasang makawala sa hawla ng imperyalismo ang siyang patunay ng umuusbong na pag-asa. Sa katunayan ay ninanais kong maging mababaw, nagbabaka sakaling ako mismo ay susubok tawirin ang daan patungo sa akin. Ginugusto ko ang maging marahan, malumay, mainam.. na hindi manginginig ang sino mang lumusong sa dagat ng isipan.

Subalit, ang pag-ibig na mapagpalaya ay makukuha lamang sa pakikipaglaban. At handa akong makibaka para sa karapatan na maisatinig ang damdamin lalo na ang mabigyang pansin ang itinayong bayan.

Mahal ko lamang ang sarili kung kinakailangan.

--

--

No responses yet